Sunday, December 06, 2015

Danas


Magtatapos na ang taong 2015 at ngayon na lang uli ako nakapagsulat sa blog na ito. Napakarami ng nangyari at napakarami na rin ang nagbago sa buhay ko at ng ibang tao. Ngayon ko lang lubos naramdaman ang hangganan ng oras na meron tayo para sa mga tao at bagay-bagay. Sa taong ito nakadanas ako ng mga labis-labis na kasayahan, kalungkutan, tagumpay, kabiguan, kalayaan at pagkabilanggo. Alam ko na ang tunay na ibig sabihin ng depresyon at ang mga araw na gusto mo na lang matulog at di na magising. Ang taong ito ang bumago ng tunay sa aking pag-katao. Itong taon na ito pinaramdam sakin na ang mundo ay hindi kailan man magiging perpekto. Ngunit sa mga kabiguan at sa mga luha na ibinuhos ko ngayong taon nalaman ko ang tunay kong lakas at ang aking matibay na kalooban. Masalimuot pero nasa proseso na mapagtatagumpayan kung ano man ang hinaharap. 

No comments: