Sunday, January 20, 2008

yebah.

Malapit nanaman ako makauwi. Yehey.
parang ang tagal ko ng di nakauwi sa aming bahay.
okie naman ako at ang aking pag-aaral.
masaya naman na ang pagbabasa at ang pagsusulat.

lumabas na ang result ng UPCAT at ang daming nakapasa
o ganun talaga palagi. Ayun nakapost na sila sa mahiwagang bulletin
sa walkway at binilang namin ng mga kaibigan ko ang pumili
at nakapasa sa course na BALL at yeah 70 plus sila.
Ang dami nila mas marami pa samin. Oh no! Pero malalagasan na ang
aming block dahil ako ay nagbabalak ng lumipat ng campus.
Yupee. Di ko alam pero gusto ko na hindi.
Nasasayangan kasi ako sa mga nakuha kong majors.
Pero wala naman nasasayang kung nag enjoy ka at marami kang natutunan.
Diba? Diba? Sumagot kayo. Oo. Oo. Oo Isya.
Hahaha. Nakakabaliw ang init ngayon dito sa Baguio.

Ayun, gutom na ako kaya malapit narin akong umuwi para
makapagpahinga at gumawa ng assignment.
Oo, meron akong assignment at ayoko siya dahil functinal grammar siya.

Gusto ko lumipat sa course na tungkol sa Indigenous People.
Magkakaroon nga ng conference sa aming school tungkol sa mga IP's.
Sobrang gusto kong pumunta doon at makinig lalo na dun sa tungkol sa
Culture and Language of IP's. Kailangan ng umaksyon ng mga tao upang
di mamatay ang ating kultura at iba't-ibang linggwahe.
Nakakalungkot na dahil sa laganap na globalisasyon at pag usad ng teknolihiya
ay namamatay ang mga iba't ibang kultura sa ating bansa kasama na ang ating
linggwahe na kaakibat and ating "identity."

Let us cultivate our language and our culture.

Save our Identity.