ooops tama ba?
di naman ako magsusulat ng makathang bagay.
maganda.
ang mga paglubog ng araw dito sa baguio ay napakaganda.
ang araw ay natutunaw sa asul na kalangitan.
napaka ganda ng mundo
kung ang mata ko lang maaring mabuhay sa mundong ito
ay matutuwa na ko...
napakagandang tanong ano bang ibig sabihin ng buhay...
para sayo o para sakin...
pati ba ang bagay ay may buhay?
iba ang naramdaman kung saya kahapon parang
merong bagang umaapoy sa loob ng aking dibdib pero
ang lahat naman ng bagay na kinatutuwaan ay
napapalitan ng matagalang lungkot.
nu bang ngyayari pagkatapos ng bawat lungkot?
ang mga tao bang nasasaktan ay nakakabangon pa
sa pinagbauunan nila nung una silang nasaktan at inilibing ng buhay sa kalungkutan...
ano bang maaring ipalit sa buhay na sana
ipinatakbo ng tama at kakaiba...
sagot ba ang kamatayan at ang pagkapanganak muli.
dito ba masasabing ang buhay mo ay naging mahalaga at
nagkaroon ng saysay.
sa mga panahon na inilaan mo sa pagibig sa isang tao
at ng maglaho ito maituturing parin bang minahal mo siya at minahal ka niya?
o isang yugto lang siya ng isang malaking kabiguan sa
buhay mo?
sa mga luhang nahulog sa aking mga mata
ang mga hiningang inilibas ko sa aking ilong
lahat ba ng ito ay mahalaga at nakapag bigay
hininga sa mga wala.
nagpatulo sa mga nagpipigil ng luha.
anong mahalaga?
diba wala?