Wednesday, February 23, 2011

Brows killing me.

Should have shaved my head!

Friday, December 24, 2010

Noche Buena Thought!

These times we sing and write about the meaning of our existence!

Monday, December 20, 2010

halukay baby

Katagal narin pala.
rundown sa mga naganap:
- field na ako
- allergic ako sa manok at itlog
- doctor in the future? go!
- happiness
- nakapag Pulag narin sa wakas
- 21 and counting
- I'm anemic (shit dati low blood)
- I so love my parents
- swerte
- sweets are friends
Putik matatapos na ang taon at panibagong taon nanaman! Shite.
- skinny jeans is heart
- it's hippie year for me
- serving the masses would set me free
- hoping for the existential mode to be over
- had short spun crushes ( which is better than having no crush at all)
- America trip blast
- other blastness
Weird things do come your way. I can't wait to finish my undergraduate degree
to go and venture to a career that is unknown.

This list do goes on. I'll just fill it up after my reflection!

Friday, November 19, 2010

February 2, 2006

Isya,

Sa Panahon ng recollection, magandang panahon para tipunin ang mga karanasan para higit na makilala ang sarili, ang kaibigan, ang lipunan at nais na patunguhan. Ang malapit na pagtatapos ng hayskul ay isang malaking pagsasangang-daan.

Ano ang gusto kong sabihin sa iyo sa araw ng iyong recollection?

Sa mga ikinatutuwa at hindi maitagong pagmamalaki-
Isa ang malalim na pandama o pag-unan para sa kapwa. Sa maraming pagkakataon mulsa sa iyong pagkabata, hindi iilang beses mo kaming pinag-isip ng nanay mo sa nakikita, naisulat at pagatatanong mo sa nasasaksihan sa paligid. Mainan na mapanatili at mapaunlad mo pa ito. Hindi nakakatakot iwanan ang mundo sa mga kagaya mong hindi naglulubay sa pagtatanong, kung bakit ganito ang kaayusan at ano mang maaring gawin at bahagi natin para mabago ito.

Hindi rin kami nababahala na baka masyado kang seryoso sa buhay, at napapalayo sa normal na takbo ng kabataan. Ang mahabang oras sa pananamit at pananalamin, ang kalat sa kwarto, mga pagtatanong at kwento ng crush, kaibigan at manliligaw, babad sa telepono, ang mga araw ng pananahimik, pagkabaot at di maispeling na pagkakataon. Nakakahinga kami ng nanay mong na walng dapat ipangamba.

Nakakataba ng puso ang kagustuhan at hangarin mong maging guro, sa kabila ng maraming posibleng tunguhin batay sa pinapakita mong kakayanan, makulit na pangungumbinsi (lalo na ng nanay ko) at nagdudumilat na katotohanan ng katayuan ng mga nagtuturo sa ating bayan. Wala nang ibang patunay na nauna kong nasabi kung hindi ang patuloy mong pananalig makaambag sa paghubog ng kamalayan ng kabataan.

Sa dinadaanan mong nagsasangang daan, asahan mong nandito lang kami ng nanay mo, sa ano mang mapusuan at mapagpasyahan mo ngayon at sa marami pang pagkakataon.

Saludo ako sa iyo Isya, kaibigan, kabahaginan, ka-pluma sa mga nais maisulat, ka-band sa mga nais pakinggan at pagnanais maging musikero, kapintig puso sa hangad na pagbabago at ikinagagalak/naming anak.

Tatay

Wednesday, November 17, 2010

I do actually remember.
Here is to love and life. :)

Joe Satriani - Love Thing

Tuesday, November 16, 2010

in doubt

hindi ko alam kung pano magcomfort ng taong namatayan ng minamahal
ang aking kayahamikan ba ay sapat na upang bigyan ng magaan na pakiramdam
ang isang taong malungkot at nagdudusa.

hindi ko alam kung tama ba ang mga salitang bibgkasin upang kahit papaano
ay mapagaan ang loob na hindi parin tanggap ang pagkawala ng kanyang matalik
at minamahal na kaibigan.

hindi ko alam.